Quantcast
Channel: 3 dead, 10 hurt as vehicle rams Good Friday procession in Bacolod
Viewing all articles
Browse latest Browse all 4485

FACT CHECK: Peke ang link para sa P7,000 DSWD educational cash grant

$
0
0

Ang sabi-sabi: Namamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P7,000 educational cash grant sa pamamagitan ng link sa isang TikTok page.

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang TikTok video ay ini-upload noong August 9 ng isang account na dati nang nahuling nagpapalaganap ng mga pekeng cash assistance links. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 3.7 million views, 62,700 likes, at 26,300 shares. 

Kalakip sa post ang isang graphic tungkol sa programa at isang link umano para makapagsumite ng application para sa educational cash assistance. Gumamit ang video ng audio clip mula sa isang report tungkol sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD bilang patunay.

Ang katotohanan: Hindi kailanman kinikilala ng DSWD o alinmang opisyal na platforms nito ang naturang TikTok account upang tumanggap ng mga aplikante para sa mga cash assistance programs. 

Ang link na kalakip ng TikTok post ay tumutuloy sa isang blog site, hindi sa opisyal na website ng DSWD. Ang pagbabahagi ng personal na impormasyon gamit ang mga links na ito ay maaaring humantong sa isang phishing scam. (Phishing 101: How to spot and avoid phishing

Maling impormasyon: Taliwas sa graphic na makikita sa TikTok post, tanging mga pamilyang nasa krisis lamang ang sakop ng educational cash assistance program ng DSWD sa ilalim ng AICS. Tumatanggap lang din ang ahensiya ng application sa pamamagitan ng walk-in at referred clients sa mga opisyal na branches nito.

ALSO ON RAPPLER

Binanggit sa ulat na ginamit sa TikTok video ang pangalan ni Erwin Tulfo bilang kalihim ng DSWD. Si Rex Gatchalian na ang pinuno ng ahensiya.   

Fact checks: Matagal nang nagbababala ang DSWD tungkol sa mga pekeng application sites na gumagamit ng pangalan ng ahensiya upang manlinlang ng mga tao.

May ilang fact check na ring inilabas ang Rappler tungkol sa mga kahina-hinalang links para sa mga DSWD cash assistance programs:

— Kyle Marcelino/Rappler.com

Si Kyle Marcelino ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 4485

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>