Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 4581

#SincerelyScouts: Sila

Silang mga Sisa, higit pa sa isang ina
Sila ay nagluluwal, ng mga bayani ng sambayanan

Silang mga Gabriela, higit pa sa asawa
Sila’y mga may paninindigan, tagapagbuo ng kasaysayan

Silang mga Lorena, hindi isang prinsesa
Sila’y mga babae, mga tao ng sarili nila

Sila ang ating kakabaihan,
Ang lumilikha ng kinabukasan,
Subalit nakapiit sa pangmamaliit ng lipunan.

Silang mga Sisa, Gabriela, Lorena, at marami pa
Nakikipaglaban, dapat tularan.

Hanggang ating makamtan
Tunay na kalayaan
ng bayan,
ng sambayanan,
ng lahat ng kasarian!

Panulat ni: Isang Gani
Dibuho ni: Gwen Eguana


Viewing all articles
Browse latest Browse all 4581

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>