Quantcast
Channel: Intervene in impeachment of VP Duterte? 'Wala nga akong pakialam doon,' says Marcos
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3841

Kapit lang!

$
0
0

(Ang serye ng pagninilay na ito ay handog ng Word and Life Publications tagapag-limbag ng ‘Patnubay sa Misa’ at ‘Euchalette.’ Ito ay ibinabahagi ng Rappler bilang paghahanda sa Kapaskuhan.)

Mateo 1:18-24

Marami sa atin ang nakaranas sumabit sa dyip. Sa pagsisikap nating makarating nang maaga sa pupuntahan, nakikipagsapalaran tayo, ika nga, at sandaling kinakalimutan muna ang pansariling kaligtasan. Kahit saan tayo magpunta sa buong Pilipinas, ang pagsabit sa jeep o bus, ay bagay na hindi natin maiiwasan, kung wala tayong sariling sasakyan.

Sa pagkakataong ito, mahigpit ang ating kapit, matibay ang ating paghawak kahit nakatayo tayo sa estribo o pintuan. At kung tayo ay mapalad na nakaupo nang ayos sa loob, ang ating payo sa mga nakasabit ay tunay at damang-dama: “Kapit lang ’tol!” “Pasaaan ba’t makararating din tayo sa patutunguhan?”

Ito ay tanda ng likas na diwa ng pag-asa nating mga Pinoy. Hindi nagmamaliw ang likas nating kakayahang umasa sa kabila ng lahat, sa harap ng mga pagsubok. Nakita ko ito matapos ang bagyong Yolanda sa Leyte at Samar. Nakita ko rin ito sa kabila ng mapait na karanasan ng marami matapos ang bagyong Odette sa Leyte at bahagi ng Mindanao.

Pero may batayan ba ang ating likas na pag-asa? Meron pa ba tayong iba pang maaring pagtuunan ng matibay at tunay na pag-asa, liban sa ating likas na kaugalian bilang Pilipino?

Malinaw na meron, ayon sa pahayag ng mga pagbasa. Ito ang dahilan kung bakit tayo nagpupuyat at naglalaan ng oras sa Simbang Gabi. May matibay na katigan ang ating pag-asa!

Ito ang pahayag ni Propeta Jeremias: “Paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan!” At ito ay hindi magmamaliw magpakailanman. “Kapit lang ’tol!” – Word and Life Publications/Rappler.com

This reflection is part of the ‘Patnubay ng Misa,’ which can be downloaded at the Word and Life Publications site.

Here are more reflections and stories about Christmas in the Philippines

SCHEDULE: Simbang Gabi, Misa de Gallo 2023 sa mga mall at iba pang pasyalan

SCHEDULE: Simbang Gabi, Misa de Gallo 2023 sa mga mall at iba pang pasyalan

Viewing all articles
Browse latest Browse all 3841

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>